Ang kaso ng isang trainee doctor na walang awang gin@hasa at pin@tay sa loob ng isang ospital sa India ay kasalukuyang mainit na pinagdedebatehan. Ikinagalit ito ng mga mamamayan ng kanilang bansa, kung saan sinasabi ng mga medical professionals na ito ay Nirbhaya case 2.0 dahil matapos ang isang dekada, muling nangyari ang ganitong tindi ng karahasan laban sa isang babae, na tunay na gumising sa sentimyento ng publiko.
Ngunit ano nga ba ang Nirbhaya case na ito, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nalilimutan sa India? Siya ay si Jyoti Singh, na isinilang noong Mayo 10, 1990 sa Delhi, India. Siya ang panganay at tanging babae sa tatlong magkakapatid. Simple lamang ang kanilang pamilya, na masasabing kabilang sa lower middle class. Ang kanyang ina ay isang stay-at-home mom habang ang kanilang ama ay sumusuporta sa kanila sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa dalawang trabaho para matustusan siya at ang kanyang mga kapatid at mapag-aral sila sa mabuting paaralan.
Sa kanyang sipag sa pag-aaral at determinasyon na makamit ang kanyang mga pangarap sa buhay, natapos niya ang kursong physiotherapy sa SAI Institute of Paramedical and Allied Sciences sa Dehradun. Noong panahong iyon, bago pa man siya magsimula ng kanyang internship sa St. Stephen Hospital sa Delhi, noong gabi ng Disyembre 16, 2012, pumunta si Jyoti sa isang mall sa Munirka, katabi lang ng Delhi, kasama ang kanyang kaibigang lalaki na si Awindra Pratap Pandey, isang software engineer na nakatira sa Ber Sarai, New Delhi.
Matapos manood ng pelikulang Life of Pi, magkasama silang naghintay ng bus sa Munirka bus stand para umuwi. Isang puting bus ang huminto sa harap nila at isang menor de edad, na isa sa mga pasahero, ang nagtanong kung saan sila pupunta. Matapos nilang sabihin ang kanilang destinasyon, sinabi ng lalaki na akala nila ay nasa ruta nila ang konduktor, kaya sumakay ang dalawa bandang alas-9:30 ng gabi.
May anim na lalaki sa loob ng bus, kabilang ang driver. Pagkapasok na pagkapasok nila, pinatay ang mga ilaw sa loob ng sasakyan. Bigla silang natakot, lalo na nang mapansin ni Awindra na sa ibang direksyon papunta ang bus. Nagtanong siya kung saan sila pupunta, ngunit nilapitan siya ng mga lalaking pasahero at tinanong kung saan siya papunta.
Bakit nasa labas pa sila sa ganoong oras? Sumunod, sinimulan silang bugbugin gamit ang isang iron rod. Paulit-ulit nila itong hinahampas. Takot na takot si Jyoti sa sandaling iyon, humihingi ng tulong, ngunit walang nakarinig sa kanya dahil ang lahat ng anim na pasahero ay may parehong madilim na plano. Nang mawalan ng malay si Awindra, nalipat ang atensyon ng mga lalaki sa kanya, kaya nilapitan nila siya at hinawakan sa kamay, pagkatapos ay dinala sa likod ng bus, pwersahang tinanggal ang kanyang underwear, at dito ay nagpalit-palit ang mga lalaki sa pagsasamantala sa kanya.
Nagpalitan sila sa pagmamaneho ng bus hanggang sa inabot sila ng halos isang oras. Sinubukan niyang lumaban at kumawala, ngunit hindi siya sapat na malakas, kaya nauwi ito sa pagkagat niya sa tatlo sa mga lalaki. Ikinagalit ito ng mga lalaki kaya mas lalo nila siyang binugbog at hinampas ng bakal. Hindi sila nakuntento dahil ipinasok pa nila ito sa kanyang maselang bahagi, na naging sanhi ng paghila at pagkapunit ng kanyang bituka (internal organs) hanggang sa mawalan siya ng malay.
Kinuha rin nila ang mga personal na gamit ng dalawa gaya ng pera, credit cards, debit cards, mobile phones, relo at iba pa. Lahat ng ito ay nangyari habang tumatakbo ang nasabing bus. Matapos ang ginawa nila sa mga kaawang-awang biktima na sina Jyoti at Awindra, basta na lamang nila itinapon ang mga katawan nito sa kalsada habang patuloy na tumatakbo ang bus.
Tunay na mahirap ang kanilang pinagdaanan sa oras na iyon. Bandang alas-11:00 ng gabi, natagpuan ang kanilang mga katawan ng isang taong dumadaan sa lugar. Si Jyoti ay kalahati na lamang ang bihis. Mukha siyang kaawa-awa dahil sa dugo na dulot ng kanyang mga sugat. Kasama ang iba’t ibang marka ng kagat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan, agad na tumawag ang nasabing tao sa pulisya hanggang sa tuluyang nadala ang dalawa sa Safdarjung Hospital. Dinala siya diretso sa emergency room.

Si Jyoti ay agad na isinalang sa isang life support machine. Sinabi ng mga doktor na humigit-kumulang 5% na lamang ng kanyang utak ang buo habang si Awindra naman ay nagtamo ng bali sa buto ngunit nakaligtas. Nang malaman ng kanilang pamilya, lalo na ng mga magulang ni Jyoti, ang nangyari, halos gumuho ang kanilang mundo. Agad silang pumunta sa ospital para tingnan ang kalagayan ng kanilang anak.
Mabilis na nalaman ng media ang insidente, kaya mabilis na kumalat ang balita sa buong India. Mainit itong pinag-usapan at marami ang nagpahayag ng galit at pagbatikos sa mga salarin. Marami rin ang lumabas sa lansangan para mag-rally at humingi ng kasagutan sa gobyerno tungkol sa sitwasyon ng seguridad ng mga kababaihan.
Habang nakikipaglaban si Jyoti para sa kanyang buhay, sumailalim siya sa iba’t ibang operasyon sa kanyang katawan. Idineklara siya ng mga doktor na nasa stable ngunit kritikal na kondisyon noong Disyembre 21, 2012. Nagtalaga ang gobyerno ng India ng mga doktor para personal na ibigay ang lahat ng tulong na kailangan niya para maligtas siya. Noong Disyembre 25, nasa life support machine pa rin siya, ngunit ayon sa mga ulat, siya ay gising at nakikipag-usap pa, nakapagpadala siya ng mensahe at hiniling na panagutin ang mga gumawa nito sa kanya.
Nagkwento rin siya ng iba pang detalye tungkol sa kung paano siya pinagsamantalahan ng anim na suspek. Ngunit noong Disyembre 26, nagpasya ang ibang mga doktor na dalhin siya sa Mount Elizabeth Hospital, isang kilalang ospital sa Singapore na dalubhasa sa organ transplants. Gayunpaman, ang ibang mga doktor ay hindi sumang-ayon dahil ayon sa kanila, ang kanyang katawan ay wala pa sa kondisyon para bumiyahe.
Kaya naman naging pinal ang desisyon na dalhin siya roon, lalo na’t ito rin ang hiling ng Chief Minister ng Delhi. Dahil dito, agad siyang inilipad patungong Singapore. Sa loob ng anim na oras na biyahe, dumanas si Jyoti ng cardiac arrest. Habang nasa air ambulance, sinubukan nilang i-stabilize siya, ngunit nawalan siya ng pulso at presyon ng dugo sa loob ng tatlong minuto.
Mula noon, hindi na siya nagkamalay hanggang sa makarating sila sa Singapore kinabukasan, Disyembre 28, 2012. Sinabi ng Chief Executive Officer ng Mount Elizabeth Hospital na nakikipaglaban siya para sa kanyang buhay dahil sa pinsala sa utak, pneumonia, at impeksyon sa tiyan. Lumala ang kanyang kondisyon hanggang sa siya ay mamatay.
Nawalan siya ng buhay noong Disyembre 29, 2012, bandang alas-5 ng umaga sa edad na 22. Nang mabalitaan ito ng kanyang mga kababayan, lalong tumindi ang mga protestang idinaraos sa buong India bilang laban sa mga krimen sa kababaihan at pakikiramay sa pagkamatay ni Jyoti. Araw-araw, paunti-unting dumarami ang sumasama sa protesta. Ang ilan ay nag-hunger strike, may mga kalsadang isinara, kinansela ng mga hotel at club ang kanilang mga New Year party at marami pang iba.
Ang insidenteng ito ay nagpaalab ng galit hindi lamang sa buong India kundi pati na rin sa ibang bansa nang malaman nila ang mga karanasan at tinamong sugat ng mga biktima, lalo na si Jyoti. Kalaunan, ang mga residente ng Nepal, Sri Lanka, Pakistan, Bangladesh at ilan pang bansa ay sumunod din sa mga rally. Ang isa sa mga pagbabagong hiningi nila ay mas mabigat na parusa laban sa sekswal na pang-aabuso sa kababaihan.
Samantala, sa unang araw, habang gumagawa ang mga doktor para iligtas si Jyoti, agad na binuo ang isang special investigation team, sa pamumuno ng deputy commissioner ng Delhi police sa tulong ng nakaligtas na biktima na si Awindra. Nakakuha ang pulisya ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng bus at ng mga suspek, sinubaybayan din nila ang mga mobile phone ng dalawang biktima na kinuha ng mga salarin, nirepaso nila ang mga CCTV sa highway, kaya natunton nila ang paglalarawan at pangalan ng bus pati na ang operator nito. Nang mabawi ang sasakyan, nalinis na ito, kaya nahirapan silang kumuha ng iba pang ebidensya mula rito.
Ngunit nakuha pa rin nila ang iron rod na mayroon pa ring bahid ng dugo nang mapatay si Jyoti sa araw ding iyon na nahuli ng pulisya ng Delhi ang mga suspek. Ang unang taong nahuli ay ang driver ng bus, na kinilalang si Ram Singh, isang 30-taong gulang na lalaki. Ang mga sumunod na nahuli ay ang kanyang 26-taong gulang na kapatid na si Mukesh Singh, ang 20-taong gulang na si Vinay Sharma, isang assistant gym instructor, ang 19-taong gulang na tindero ng prutas na si Pawan Gupta, ang 28-taong gulang na si Akshay Thakur, na kararating lang sa Delhi para maghanap ng trabaho, at ang 17-taong gulang na si Mohammed Afroze.
Una nilang nakita ang isang 35-taong gulang na karpintero na nagngangalang Ramadhir Singh lamang at hindi konektado sa dalawang suspek na nakasakay at ang biktimang si Jyoti ay ninakawan at binugbog pagkatapos ay itinapon sa bus na pagkatapos nito ay hindi naman malubha ang kanyang mga sugat kaya nakapag-ulat siya ng insidente sa tatlong pulis na dumadaan sa lugar kung kaya’t hindi kumilos ang mga pulis dahil ayon sa kanila ay hindi nila inakalang kailangan ni Ramadhir na iulat ito sa mga pulis na sumasaklaw sa lugar kaya’t nagpatuloy ang mga suspek sa pag-iikot sa bus para humanap ng susunod na biktima, dito nila sinaktan ang magkaibigang Jyoti at Awindra na naghihintay.
Nagsampa ang pulisya ng Delhi ng kaukulang reklamo laban sa tatlong police offices ng house police station dahil sa kanilang hindi pagkilos sa reklamo ng karpintero, bunga nito ay nasuspinde ang dalawang assistant police commissioners dahil sa kanilang pagkabigo na mapigilan ang gang rape na mangyari noong Enero 3, 2013. Limang araw matapos ang pagkamatay ni Jyoti, isang kaso ng rape, murder, kidnapping, pagkasira ng ebidensya at attempted murder ang pormal na isinampa laban sa limang adult suspects.
Una, hindi itinanggi ni Pawan Gupta ang kanyang ginawa at sinabing dapat siyang bitayin. Si Mukesh Singh naman, na nakakulong sa Tihar Jail, ay binugbog ng ibang mga bilanggo, kaya inilipat siya sa selda kung saan siya ay mag-isa para sa kanyang proteksyon. Nang bigyan sila ng abogado, biglang nagbago ang kanyang pahayag, itinanggi ang kanilang ginawa. Sinabi ng kanilang abogado na sila ay tinakot at pinwersa ng pulisya na umamin. Samantala, ang menor de edad na si Mohammed Afroz ay kinasuhan din ngunit hindi itinuring na nasa hustong gulang sa ilalim ng juvenile justice system. Noong Enero 10, ang abogado ng isa sa mga suspek ay nagbigay ng pahayag na nagpagalit sa maraming Indian.

Sinabi niya na ang mga biktima ang may pananagutan sa pag-atake sa kanila dahil sumasakay sila sa pampublikong sasakyan. Sinabi niya na hindi sila dapat nanggaling sa kalsada sa ganoong oras ng gabi. Idinagdag niya na hindi pa siya nakakita o nakarinig ng isang sekswal na pag-atake kung saan ang isang kagalang-galang na babae ang biktima. Matindi rin niyang itinuro sa lalaking biktima na siya ang dapat sisihin sa lahat dahil nabigo siyang protektahan si Jyoti.
Noong Marso 11, 2013, ang katawan ng driver na si Ram Singh ay biglang natagpuang nakabitin sa loob ng kanilang selda kung saan kasama niya ang tatlo pang bilanggo. Ayon sa ulat ng pulisya, nagpakamatay siya ngunit hindi naniwala ang kanyang pamilya at abogado at sinabing sinadya siyang patayin. Hindi nakumpirma kung ito ay pagpapakamatay o pagpaslang.
Matapos makasuhan ang mga salarin, nanawagan ang publiko para sa isang mabilis na paglilitis, kaya noong 8, 2013, agad na natapos ang pagtatanghal ng ebidensya. Noong Setyembre 10, 2013, ganap na natapos ang paglilitis at ang hatol ng Fast Track court ng Delhi ay ibinaba sa mga suspek. Ang limang adult accused ay napatunayang nagkasala at makalipas ang tatlong araw, ang parusang kamatayan sa pamamagitan ng pagbitay ang iginawad sa kanila.
Nang marinig ito ni Vinay, nahimatay siya at nang magkamalay ay nakiusap na huwag bitayin kahit na ang suspek na si Mukesh Singh ay nasa death row. Hindi pa rin siya nagpakita ng anumang pagsisisi. Nagawa pa niyang sisihin ang mga biktima, ayon sa kanya ay kung hindi lamang sila nanlaban. Ang pahayag na ito ay lumabas sa isang dokumentaryo ng BBC noong Marso 4, 2013 na inilabas sa UK, na tunay na nagpainit sa isipan ng mga tao sa India nang mapanood nila ito.
Ang kanyang paninisi sa biktimang si Jyoti ay mainit na pinag-usapan, hanggang sa punto na ipinagbawal ng gobyerno ng India ang paglalabas ng nasabing video sa kanilang bansa, kaya inilabas ito sa UK at mabilis na nag-viral, lalo na nang ma-upload ito sa YouTube noong Marso 5. Iniutos ng gobyerno ng India na harangan ang paglalabas nito sa India, na sinunod naman ng YouTube.
Matapos ibaba ang hatol sa apat na adult suspects, naghain sila ng apela para sa mas mababang sentensya, ngunit nagpasya ang korte na ayon sa hukom na namamahala na si Judge Yogesh Khanna, nakagawa sila ng krimen laban sa nagkakaisang konsensya ng India at hindi nila maaaring balewalain ang kanilang ginawa. Hiwalay na nilitis si Mohammed Afroze sa juvenile court noong Agosto 31, 2013, at napatunayan ding nagkasala sa kaso.
Ang pagpatay at paggahasa sa ilalim ng juvenile justice act at hinatulan ng maximum na tatlong taon sa kulungan kaya noong Disyembre 20, 2015 ay pinalaya siya matapos pagsilbihan ang kanyang sentensya bagama’t may mga ulat na nagsasabing habang siya ay nasa kulungan ay nakakita siya ng pagbabago at natutong manahi at magluto. Binigyan din siya ng suporta para magsimula ng bagong buhay isa na rito ang pagpapalit ng kanyang pangalan para alisin ang anino ng kanyang masamang nakaraan at para na rin sa kanyang seguridad ngunit ganoon pa man ay marami pa ring tao ang galit dahil dito lalo na ang mga magulang ni Jyoti.
Hindi nila matanggap na ang menor de edad na suspek ay hindi itinuring na nasa hustong gulang para sa kanila at para sa maraming tao, ang taong gumawa ng napakasamang bagay sa kanilang anak ay patuloy na gumagala. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit muling nag-rally ang mga tao para hilingin sa gobyerno na baguhin ang kanilang juvenile justice act, partikular ang parusa para sa mga Minors De Edad na gumagawa ng ganoong seryosong krimen. Noong Marso 13, 2014, kinumpirma ng Delhi High Court ang death sentence ng apat na nilitis sa kanilang panig ngunit hindi ito pinaboran ng Supreme Court.
Noong Mayo 5, 2017, ang mga bilanggo at ang kanilang mga pamilya ay naghain din ng Mercy petition sa mga matataas na awtoridad sa gobyerno at sa international criminal court ngunit tinanggihan ang kanilang mga hiling. Dinala pa ng kanilang mga abogado ang pagsamong ito sa Presidente ng India ngunit binalewala ang kanilang mga pagsisikap.
Kaya noong Marso 20, 2020, ang apat ay tuluyan nang binitay sa Tihar jail. Ayon sa mga opisyal ng bilangguan, sila ay piniringan at hindi na naggumit. Matapos ang 30 minuto, idineklara silang patay. Dahil sa insidenteng ito, nabago ang batas ng India, na nagtatakda ng mas mabigat na parusa para sa mga akusado ng krimen laban sa kababaihan na tulad nito.
Hindi lamang ang batas kundi pati na rin ang mga pamamaraan ng imbestigasyon ay nagbago rin, lalo na kung paano imbestigahan at ituring ang isang menor de edad bilang suspek. Ang ilan sa mga pagbabagong ito ay kinabibilangan ng section 376 ng Indian Penal Code para dagdagan ang parusa sa mga kaso ng panggagahasa bilang tugon sa mga ganitong insidente, ang minimum sentence ay binago sa 10 taon. Itinaas ito sa 10 taon at kung ang biktima ay namatay o napatay, ang minimum sentence ay 20 taon.
Sa amyendang ginawa sa juvenile justice act, nakasaad dito na kapag ang isang 16 hanggang 18 taong gulang ay gumawa ng mga heinous crimes, dapat siyang litisin tulad ng isang matanda. Siyanga pala, kaya ito naging tanyag bilang Nirbhaya case. Dahil hindi pinapayagan ng batas ng India ang media na banggitin ang tunay na pangalan ng biktima.
Dahil dito, maraming news media ang naglabas ng iba’t ibang pangalan o alyas at isa na rito ang Nirbhaya, na ang ibig sabihin ay Fearless (Walang Takot). Ang kanyang paghihirap at kamatayan ay naging simbolo ng paglaban ng mga kababaihan sa mga ganitong krimen sa buong mundo. Kaya naman isang daily tabloid ang naglabas ng tunay na pangalan ng biktima kaya kinasuhan siya ng pulisya, ngunit ayon sa isang Union minister, kung hindi tututol ang kanyang mga magulang, walang problema, lalo na kung ito ay gagawin nang may paggalang.
Sinabi rin ng ama ni Jyoti sa isang British reporter na gusto niyang malaman ng buong mundo ang tunay na pangalan ng kanyang anak sa panahon ng protesta matapos mapalaya ang menor de edad na suspek. Binanggit din ng ina ni Jyoti ang kanyang buo at tunay na pangalan. Noong 2013, si Jyoti ay binigyan ng posthumous award, ang International Women of Courage Award, mula sa US Department of Justice. Noong 2019, isang TV series na pinamagatang Delhi Crime ang inilabas sa Netflix.
Ito ay base sa kaso ni Jyoti at sa paghahanap ng pulisya sa mga salarin. Matapos ang mga pangyayaring ito sa buhay ng mga magulang ni Jyoti, masaya sila na nabigyan ng hustisya ang kanilang anak. Bagama’t isang tao ang napalaya, ang kasong ito ay nagdala ng maraming pagbabago sa India at ang lahat ay umaasa na ang napakasakit na insidenteng ito ay hindi na muling mangyayari sa kahit kanino.
Gayunpaman, tila hindi pa rin sapat ang mga pagbabago sa kanilang mga batas dahil matapos ang insidenteng ito, hindi bababa sa pito ang mga krimen ng panggagahasa. Ang problema ay hindi ang batas, kundi ang masamang kaisipan ng mga tao. Ayon sa isang matalinong tao, hindi natin kailangang turuan ang ating mga anak na babae na mag-ingat, kundi turuan ang ating mga anak na lalaki kung paano igalang ang mga kababaihan.